Bumalik sa panimula

Medikal

Ano ang aking gagawin kung na-expose ako sa COVID-19?

Kailangan ninyong mag-quarantine sa bahay sa loob ng 14 na araw mula sa huling contact ninyo sa taong may COVID-19. Magbantay sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga, o pagkawala ng panlasa o pang-amoy. Umiwas muna sa ibang tao hangga’t makakaya.

Kailangan ninyong manatiling naka-quarantine, maliban kung kukuha ng COVID-19 test, kung kayo ay na-expose sa taong may COVID-19 nang mas malapit sa 6 na talampakan sa loob ng 15 minuto o higit pa. Kailangan ninyong mag-quarantine kahit hindi kayo nagpapakita ng sintomas dahil maaari pa rin kayong makahawa ng ibang tao.

Sumangguni kaagad sa inyong doktor o healthcare provider kung makaranas kayo ng hirap sa paghinga, paninikip o pananakit ng dibdib, pagkalito, hirap sa pagbangon o pagkawala ng ulirat, pangingitim o pagkawala ng kulay sa mga labi o sa mukha.

Kailangan ninyong mag-quarantine sa lalong madaling panahon, kahit hindi kayo sigurado kung nahawa kayo sa taong may COVID-19 na nakasalamuha ninyo, dahil mas malaking ang tsansang makahawa kayo ng ibang tao habang nasa unang yugto ng pagkahawa sa COVID-19.

May mga grupo ng tao na high risk o may mas malaking tsansang magkaroon ng malalang sakit mula sa COVID-19, tulad ng mga taong may mahinang immune system, mataas ang presyon, may problema sa puso at baga, at may diabetes o kanser.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat upang hindi ninyo mahawaan ang ibang tao, kahit na wala pang pag-aaral kung gaano katagal namamahay ang COVID-19 virus sa mga taong gumaling na mula sa sakit.

Source: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo