Nag-positibo ako sa COVID-19. Makatutulong pa ba kung magpapakuha ako ng flu shot?
Ang opisyal na patnubay mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagsasaad na ang mga taong nag-positibo sa COVID-19 at asintomatiko o walang paunang simtomas ay dapat maghintay ng 10 araw mula sa kanilang positibong resulta sa pagsubok bago makatanggap ng anumang mga regular na pagbabakuna, kabilang ang flu shot o bakuna sa trangkaso. Ang mga pagbisita sa pagbabakuna para sa lahat ng mga indibidwal na ito ay dapat ipagpaliban upang maiwasang mahawaan ang mga healthcare worker at iba pang mga pasyente sa mga pasilidad na nagbibigay ng COVID-19 vaccine.
Ang mga taong sintomatiko na hinihinalaang may o kumpirmadong may COVID-19 ay dapat na magpaliban ng pagtanggap ng mga pagbabakuna at mag-quarantine hanggang sa ang LAHAT ng mga sumusunod na pamantayan ay natutugunan na bago sila lumabas ng kanilang quarantine:
- Hindi bababa sa 10 araw pagkatapos magsimula ang sintomas
- 24 na oras na walang lagnat nang hindi gumagamit ng mga gamot na pampababa ng temperatura
- Ang mga sintomas ng COVID-19 ay naibsan o nawala nang tuluyan
Dapat isaalang-alang din ng mga taong sintomatiko ang pagpapaliban sa pagpapabakuna hanggang sa ganap na makagaling mula sa COVID-19.
Source: CDC
Tignan din: Paano ko malalaman kung kailan matatapos ang aking quarantine?