Bumalik sa panimula

Medikal

Paano ko malalaman kung kailan matatapos ang aking quarantine?

Kailangan ninyong mag-quarantine kung kayo ay nakasalamuha ng mga taong positibo sa COVID-19 nang mas malapit sa 6 na talampakan sa loob ng mahigit 15 minuto.

Ang ibig sabihin ng quarantine ay dapat kayong manatili sa loob ng inyong tahanan nang 14 na araw matapos mapalapit sa taong may COVID-19, dapat kayong magbantay sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, at higit sa lahat bumukod kayo sa ibang tao hangga’t maaari upang hindi na makahawa.

Kung kailangan ninyong mag-alaga ng taong may COVID-19 tulad ng malapit na kapamilya, alam na ninyo na mas malaki ang tsansa na kayo ay mahawa sa kanila. Marapat na mag-isolate kayo at mag-quarantine kasama ng maysakit upang hindi na mahawa ang ibang mga kasama sa bahay at mga miyembro ng komunidad.

Ang tagal ng inyong quarantine ay nakadepende sa mga sumusunod:

  • Gaano katagal mula nang kayo ay huling nakasalamuha ng taong may COVID-19
  • Gaano kadalas kayong lumalapit sa taong may COVID-19 (kung kayo ang pangunahing tagapangalaga ng kapamilyang may COVID-19)
  • Kung kailan kayo tinawagan ng mga awtoridad sa public health na kayo ay napalapit sa taong nag-positibo sa COVID-19 at nabigyan ng Emergency Quarantine Order

Ang pinakamahalagang malaman ninyo ay kailangan ninyong mag-quarantine nang 14 na araw mula sa huling araw na kayo ay nagkaroon ng close contact sa taong nag-positibo sa COVID-19.

Kung wala na kayong close contact sa taong nakahawa sa inyo, ang huling araw ng inyong quarantine ay 14 na araw mula sa huling contact ninyo sa taong iyon. Halimbawa, kung huli kayong nagkaroon ng contact sa taong may COVID-19 ay ika-1 ng Oktubre, and huling araw ng inyong quarantine ay ika-15 ng Oktubre.

Kung kayo ay nakatira kasama ng taong may COVID-19 at may kakayahan kayong mag-isolate sa ibang kwarto, ang quarantine ninyo ay matatapos nang 14 na araw. Kung sakaling magkaroon kayo ulit ng contact sa taong may COVID-19, kailangan ninyo uling simulan ang inyong 14 na araw ng quarantine.

Kung hindo ninyo maiwasang lumapit sa taong may COVID-19, lalo na kung kayo ang pangunahing tagapangalaga sa kanila, kailangan ninyong mag-quarantine nang 14 na araw matapos sabihan ng mga awtoridad ang inyong inaalagaan na tapos na ang kanilang isolation.

Kung nakatanggap kayo ng Public Health Emergency Order, ang quarantine ninyo ay matatapos 14 na araw matapos ang petsa ng pag-isyu ng order.

Kapag natapos na ang inyong quarantine, malaya na kayong bumalik sa inyong mga dating gawi, tulad ng pagbalik sa eskwela o sa trabaho. Hindi na ninyo kailangan ng patotoo mula sa Public Health o magpakita ng negative na resulta ng COVID-19 test para matapos ang inyong quarantine.

Source: LA Public Health

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo