Bumalik sa panimula

Medikal

Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa mga COVID-19 vaccine?

Sa kasalukuyan, maraming mga bakuna na dine-develop para sa COVID-19, at ilan sa mga ito ay nabigyan na ng Emergency Use Authorization ng U.S. Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), bago matukoy ng FDA kung dapat aprubahan ang isang bakuna o pahintulutan ang isang bakuna para sa emergency na paggamit, isinasagawa ang mga clinical trial upang matukoy kung gaano ito kabisa. Ito ay tinatawag na effectiveness.

Matapos aprubahan ng FDA ang isang bakuna o pinahintulutan ang isang bakuna para sa emergency na paggamit, patuloy itong pinag-aaralan upang matukoy kung gaano ito gumagana sa mga totoong kondisyon. Susuriin ng CDC at iba pang federal partners nito ang mga COVID-19 vaccine na ito sa kanilang effectiveness sa totoong paggamit nito sa mga pasyente.

Ang layunin ng mga bakunang ito ay upang maiwasang magkaroon ang mga pasyente ng malubhang karamdaman mula sa COVID-19.

Mahalagang tandaan na ang pagkuha ng bakuna sa COVID-19 ay hindi nakatitiyak ng kumpletong proteksyon mula sa karamdaman, at kailangan ng panahon bago maging immune ang inyong katawan. Nangangahulugan ito na posible pa rin ang impeksyon bago o pagkatapos lamang makatanggap ng bakuna sa COVID-19 sapagkat kailangan ninyo ng sapat na oras upang makabuo ng mga antibodies.

Ang pagkuha ng COVID-19 vaccine ay nangangahulugang sakaling makakuha kayo ng sakit na COVID-19, maaaring mapigilan ng vaccine ang pagkakaroon ng mas matitinding sintomas mula sa sakit na ito.

Bilang karagdagan, hindi kayo makakukuha ng COVID-19 mula sa bakuna. Ito ay dahil wala sa mga COVID-19 vaccine na dine-develop ang gumagamit ng live na virus.

Dahil sa limitadong suplay, ang mga COVID-19 vaccine ay hindi muna ipapamahagi sa pangkalahatang publiko. Kapag magagamit na ito para sa inyo, ang inyong healthcare provider ang makapagbibigay sa inyo ng karagdagang impormasyon kung paano kayo makikinabang sa COVID-19 vaccine depende sa inyong personal na kalagayan sa kalusugan.

Habang naghihintay ang bansa sa pag-apruba ng ilan pang COVID-19 vaccine, mahalagang protektahan ang inyong sarili mula sa virus. Maaari kayong matuto nang higit pa tungkol sa pagbabawas ng panganib sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntuning nakalahad dito.

Source: LA Public Health, CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo