Bumalik sa panimula

Medikal

Paano ako makakapag-volunteer para sa mga clinical studies para sa COVID-19?

Ang mga clinical studies kaugnay sa COVID-19 ay nangangailangan ng mga volunteer, at kung kayo ay interesado may mga kalahok na research site kung saan maaari kayong mag-sign up:

  • Ang National Institute of Health (NIH), sa pamamagitan ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID), ay nagsasagawa at sumusuporta sa mga klinikal na trial na nagsusuri ng mga therapy at kandidato para sa severe acute respiratory syndrome coronavirus type 2 (SARS-CoV-2), ang virus na nagdudulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), pati na rin ang mga pag-aaral ng mga taong gumaling mula sa impeksyon.
  • Ang Health and Human Services (HHS) ay lumikha ng bagong Combat COVID web portal na naglalaman ng kasalukuyang impormasyon tungkol sa mga klinikal na pagsubok na maaaring lahukan ng mga tao, pati na rin ang mga proseso para sa pagbibigay ng dugo at plasma, na hahantong sa mga pagtuklas ng prevention at treatment upang mapakikinabangan ng lahat.
  • Ang isang madalas na na-update ay ang komprehensibong listahan ng lahat ng mga klinikal na pagsubok sa COVID-19 na matatagpuan sa ClinicalTrials.gov.
  • Kung naghahanap kayo ng pag-aaral na isinasagawa malapit sa inyo, naglilista ang Center Watch ng mga klinikal na trial na naghahanap ng mga kalahok ayon sa bawat lungsod.

Mahalagang gawin ang inyong sariling pananaliksik kung aling mga klinikal na trial para sa COVID-19 ang isinasagawa malapit sa inyo at ano ang mga kailangan ninyong gawin upang makalahok sa makabuluhang paraan.

Kapag naabot ninyo ang isa sa mga kalahok na mga research site, dapat nilang ipaalam sa inyo kung anong uri ng pananaliksik ang kanilang isinasagawa. Kaugnay nito, maaari nila kayong tanungin tungkol sa inyong mga personal na impormasyong makakatulong sa kanila na upang matukoy kung ang mga pag-aaral na ongoing ay angkop para sa inyo.

Upang makagawa ng informed na desisyon kung dapat ba kayong lumahok sa isang klinikal na trial, mahalagang magkaroon ng detalyadong mga talakayan tungkol sa mga detalye ng clinical study mula sa mga research staff.

Kung mayroon kayo o nangangailangan ng kinatawang legal, hihilingin sa inyo na samahan kayo o tulungan kayo ng inyong abogado upang mas maunawaan ninyo ang mga legal na aspeto ng inyong pakikilahok.

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo