Gaano katagal ko kailangang mag-isolate sa bahay kung nag-positibo ako sa COVID-19?
Kung kayo ay pinayuhang mag-isolate, kailangan ninyong manatili sa bahay at bumukod kaagad sa mga kasama sa bahay hanggang hindi na kayo makahahawa ng ibang tao.
Kung kayo ay may COVID-19, kailangan ninyong mag-isolate hanggang sa sumusunod na kondisyon:
- 10 araw matapos lumabas ang mga unang sintomas ng COVID-19
- kung wala na kayong lagnat mula 24 na oras nang hindi umiinom ng pampababa ng lagnat
Kung gumaling na ang inyong mga sintomas, maaari na ninyong simulan ang pagbibilang ng mga araw upang matapos ang inyong isolation.
Kung nag-positibo ang inyong COVID-19 test ngunit kayo ay asintomatiko o hindi nagpapakita ng sintomas, manatili kayo sa bahay 10 araw matapos lumabas ang resulta ng inyong test. Kung lumabas ang sintomas ninyo habang nasa isolation, sundin ang panuto para sa mga sintomatiko o nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Kung mayroon kayong pre-existing condition na lubhang nagpapahina ng inyong immune system, kailangan ninyong mag-isolate nang higit pa sa 10 araw, o hanggang sa payuhan kayo ng inyong doktor na tapos na ang inyong isolation.
Kung kayo ay mag-iisolate, gawin ninyo ang makakaya na bumukod sa lahat ng mga tao upang hindi na makahawa ng iba. Huwag nang pumasok sa trabaho, lumiban sa klase kung hindi online, at iwasan ang paglabas ng bahay. Gumamit ng mga serbisyong online o contactless para sa delivery o takeout, kung saan hindi makakasalamuha ng ibang tao hangga’t maaari.
Kung may miyembro ng komunidad na tumatakbo ng mga bilin para sa inyo, hayaan silang iwanan ang inyong pagkain at iba pang pabili sa inyong pinto, upang maiwasan na mahawaan sila ng COVID-19.
Kung nakatira kayo sa LA County at kailangan ninyo ng tulong humanap ng libreng serbisyo na may delivery, mga serbisyong sosyal, at mga essential items tulad ng pagkain o gamot habang hindi kayo makalabas ng bahay, maaari kayong tumawag sa 2-1-1 o magtungo sa website ng LA Public Health.
Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: LA Public Health
Translation reference: Diksyonaryong COVID-19