Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Ano ang mga babalang palatandaan ng domestic violence?

Lahat tayo ay nabubuhay sa panahon ng pandemya. Walang kasiguruhan sa ating pang-araw-araw na buhay sa panahon ng COVID-19, at maraming mga pagkakataon kung saan tayo naguguluhan at nakararanas ng hidwaan kasama ng ating mga mahal sa buhay. Ang pagkakaiba ay nakasalalay sa  paraan ng paglutas ng mga hidwaan natin sa ating mga mahal sa buhay.

Kung natatakot kayo sa inyong kapareha, ito ay isang malaking babalang palatandaan. Maaari kayong matakot na sabihin kung ano ang iniisip ninyo, na magtalakay ng ilang mga mahahalagang bagay, o humindi sa pakikipagtalik. Anuman ang dahilan, walang lugar ang takot sa isang matiwasay na relasyon.

Narito ang ilang mga warning sign o babalang palatandaan ng domestic violence:

  • Mga isyu sa relasyon tulad ng matinding paninibugho, pang-aangking, pabugso-bugsong galit, at ugaling mapag-kontrol
  • Pang-aabusong pisikal at emosyonal tulad ng pananakit, verbal abuse, gaslighting o pagbibintang sa biktima, pamamahiya o panliliit sa biktima sa pribado o publiko, at pwersahang pakikipagtalik nang walang pahintulot ng biktima
  • Mga isyu ng kontrol tulad ng paglilimita sa biktimang makipag-ugnayan sa mga kaibigan o pamilya, pag-aakusa sa biktima ng panloloko o pangangalunya, panggugulo sa trabaho ng biktima, pagsasabotahe ng kanilang kakayahang magtrabaho o mag-aral, at pagbabantang isapubliko ang mga intimate na larawan o video upang mapilitang manatili sa relasyon ang biktima

Sa konteksto ng pandemyang COVID-19, maaaring magtago ang mga abuser ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pandemya na makatutulong sa mga biktima na gumawa ng informed na desisyon, halimbawa kung kailangan nilang magpakuha ng COVID-19 test o kung kailangan nila ng karampatang lunas mula sa healthcare provider.

Kung kayo o ang inyong kakilala ay nakaranas o nakararanas ng pisikal na pinsala mula sa mismong mga tao na dapat sana'y nag-aaruga at sumusuporta sa panahong ito, mahalagang malaman na hindi ito tama at ang pag-uugaling ito ay itinuturing na domestic violence.

Nasa mga kamay ninyong humingi ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong inyong pinagkakatiwalaan o sa mga organisasyong nakatutok sa pagsagip sa mga taong nakararanas ng domestic violence. Mangyaring basahin ang "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?"

Para sa kompidensyal na tulong ng available sa lahat ng oras, tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 1-800-799-7233 (SAFE) o sa 1-800-787-3224 (TTY).

Source: National Coalition Against Domestic Violence

Basahin din ang: Ano ang dapat kong malaman tungkol sa COVID-19 at domestic violence?

360005752316_129162541_161030685751313_3508967593966626325_o.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo