Anong maaari kong gawin upang matiyak ang kaligtasan ng aking mga empleyado at kostumer?
Matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay at paghihintay sa impormasyon tungkol sa COVID-19 pandemic, unti-unti nang niluluwagan ng mga komunidad ang mga restriktong ipinatupad upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Naglabas ng patnubay ang CDC upang makatulong sa inyong makapagpatupad at makapag-monitor ng mga planong ligtas sa muling pagbubukas ng inyong negosyo.
Sa “new normal”, ang masinsinang paglilinis at pagdi-disinfect ay pinakamahalaga dahil maaaring kumalat ang COVID-19 sa mga surface sa pamamagitan ng mga droplet o maliliit na patak sa hangin.
Dapat ring isaalang-alang ng mga negosyong nais na muling magbukas ang paggawa ng isang planong nagpapatupad ng mahigpit na personal hygiene o kalinisang pansarili tulad ng paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng mga sanitizer na gawa sa alcohol, at ang paglilinis ng lugar ng trabaho gamit ang mga panlinis at disinfectant na aprubado ng EPA na maaaring makatulong sa pagpatay ng COVID-19.
Source: CDC, U.S. Chamber of Commerce