Bumalik sa panimula

Negosyo

Paano ko mapangangalagaan ang aking mga empleyadong takot bumalik sa trabaho?

Ayon sa Equal Employment Opportunity Commission (EEOC), may mga solusyon na maaaring ipatupad para sa mga may mga kapansanan, “absent due hardship”, na makapagbibigay ng proteksyon sa mga empleyadong may idineklarang pre-existing condition na naglalagay sa kanila sa mas malaking panganib na magkasakit nang malubha dahil sa COVID-19.

Kung hindi maaaring gawin sa bahay ang trabaho at kinakailangang pumasok ng inyong mga empleyado, may mga pagbabago na maaaring ipatupad upang malimitahan ang peligro na mahawa sila ng COVID-19. Ito ay mga maliliit na pagbabagong hindi magdudulot ng hirap sa inyong negosyo.

Maaring ayusin ang oras ng pagpasok o mga shift ng mga manggagawa. Mariin ding hinihikayat ang mga negosyante na magpatupad ng mga solusyon tulad ng paglalagay ng mga barrier o harang, o di kaya'y pagpapatupad ng physical distancing o pagkakalayo-layo ng inyong mga empleyado at mga kostumer ayon sa mga patnubay ng CDC.

Source: EEOC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo