Maaari bang humingi ang aking employer ng COVID-19 test result bago payagang bumalik sa trabaho?
Ayon sa Equal Employment Opportunity Commission (EEOC), maaari kayong i-screen ng inyong employer para sa COVID-19. Maaari kayong tanungin kung nakararanas ba kayo o nakaranas noon ng mga sintomas tulad ng lagnat, panginginig o pangangatal, ubo, hirap sa paghinga o pananakit ng lalamunan.
Ngunit sa ilalim ng ADA, dapat siguruhin ng inyong employer na ang lahat ng impormasyong may kinalaman sa inyong kalusugan ay mananatiling pribado at confidential.
Pinapayagang humingi ang inyong employer ng note mula sa inyong doktor na kayo ay malusog at may kakayanang bumalik sa trabaho. Maaari ring gawin ng mga employer ang regular na pagsusuri sa mga empleyadong babalik sa trabaho na ayon sa mga patnubay ng CDC.
Source: EEOC