Bumalik sa panimula

Negosyo

Kailangan ko bang kumuha ng COVID-19 Safety Compliance Certificate para makapagbukas ng aking negosyo sa LA County?

Ang LA Public Health ay nag-aalok ng COVID-19 Safety Compliance Certificate program para sa mga negosyo sa Los Angeles County na kasalukuyang pinahintulutang magbukas muli upang kusang-loob na mapatunayan na ganap nilang ipinatutupad ang mga required na COVID-19 Protocol.

Nilalayon ng prosesong ito na matulungan ang mga may-ari ng negosyo na sundin ang mga kinakailangang Protocol at maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa pinakaligtas na paraan para sa kanilang mga empleyado, customer, at bisita.

Ang COVID-19 Safety Compliance Certificate ay hindi ipinipilit, pero ito ay inirerekomenda.

Ito ay isang paraan para sa mga may-ari ng negosyo na maipakita at maiparamdam sa publiko na isinasagawa ninyo ang inyong makakaya upang magpatakbo ng negosyo na inuuna ang kaligtasan ng lahat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga required na Protocol.

Kung pipiliin ninyong hindi kumuha ang Compliance Certificate, kakailanganin lamang ninyong ilathala ang mga required na Protocol sa lahat ng mga pampublikong pasukan sa pasilidad ayon sa County Reopening Safer at Work Health Officer Order.

Upang limitahan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng lugar ng trabaho at sa komunidad, ang publiko, ang lahat ng mga may-ari ng negosyo, at mga community organization ay dapat magtulungan upang suportahan ang modified na pagpapatakbo ng negosyo at mga public space upang gawin silang ligtas hangga't maaari sa panahon ng pandemya.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakukuha ng COVID-19 Safety Compliance Certificate, magtungo sa: LA Public Health

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo