Kailangan ko ba ng negatibong COVID-19 test result bago bumalik sa trabaho?
Ayon sa interim guidelines ng CDC, hindi maaring gamiting basehan ang antibody test result upang masabi na maaari nang bumalik sa trabaho ang mga empleyado. Hindi ito pinapayagan sa ilalim ng Americans with Disabilities Act o ADA.
Sa ngayon, hindi tinuturing ang antibody testing na isang pangangailangang medikal na kailangan sa trabaho o ng isang negosyo.
Dapat maunawaan na ang antibody test ay iba sa test na nagsasabi kung may aktibong kaso ng COVID-19 ang isang tao tulad ng viral test. Ayon sa EEOC, ang viral test ay pinapayagan sa ilalim ng ADA.
Source: EEOC