Bumalik sa panimula

Medikal

Kailangan ko bang takpan ang aking mukha kapag aalis ako ng bahay?

Ang pagtatakip ng ilong o bibig kapag kayo ay nasa labas ng bahay o napaliligiran ng mga taong hindi ninyo kasama sa bahay ay nakatutulong magpabagal ng pagkalat ng COVID-19, dahil ang mga indibidwal na may COVID-19 ay lubhang nakahahawa lalo na kapag hindi pa lumalabas ang mga sintomas ng sakit dulot nito.

Ang paggamit ng telang pantakip sa mukha ay nakatutulong na magprotekta sa ibang tao mula sa droplets o maliliit na patak galing sa inyong baga.

Bihira lamang ang mga taong binibigyan ng exemption sa pagsusuot ng mask sa Los Angeles kabilang na ang mga batang wala pang 2 taong gulang, ang mga nakararanas ng hirap sa paghinga, at ang mga pinayuhan ng kanilang doktor na huwag magsuot ng face mask.

Source: LA Public Health

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo