Bumalik sa panimula

Medikal

Ligtas bang pumunta sa Urgent Care para sa medical assistance na walang kaugnayan sa COVID-19?

Kung nakararanas kayo ng mga banayad na sakit o pinsala na walang kaugnayan sa COVID-19, tawagan ang tanggapan ng iyong doktor o primary care provider upang magtanong tungkol sa inyong mga sintomas. Matutulungan kayo ng inyong doktor na gumawa ng mga informed na pagpapasya para sa iyong pagpapagamot - maaaring kasama dito ang mga istratehiya upang masubaybayan ang inyong mga sintomas mula sa bahay, mga pakikipag-ugnay sa inyong doktor sa pamamagitan ng telehealth o in-person na appointment.

Kung kayo at ang inyong doktor ay nagpasya na ang in-person na appointment ay angkop para sa inyong medical na concern, may ilang mga hakbang na maaari ninyong gawin upang maprotektahan ang inyong sarili mula sa COVID-19. Kabilang dito ang pagsusuot ng pantakip sa mukha na aprubado ng mga medical professional, regular na paghuhugas ng kamay, pagdidisimpekta ng mga madalas hawakang surface tulad ng mga pintuan ng kotse, mga doorknob, o cellular phone, at pagdidistansyang sosyal na hindi bababa sa anim na talampakan ang layo mula sa mga taong hindi ninyo kasama sa bahay.

Kung nakararanas kayo ng mga seryosong kondisyon tulad ng atake sa puso, stroke, o pinsala na nagbabanta sa inyong buhay, dapat kayong tumawag kaagad sa 911 o bisitahin ang kagawaran ng emerhensya sa inyong lokal na ospital.

Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa:

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo