Bumalik sa panimula

Medikal

Paano dapat gamitin ang face mask?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nakatutulong ang face mask sa pagtigil ng pagkalat ng COVID-19 sa ibang tao. Inirerekomenda ng CDC na magsuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay, kapag nakikisalamuha sa mga taong hindi kasama sa bahay, at kapag hindi kayang panatilihin ang social distancing o pagdistansiyang sosyal nang higit sa 6 na talampakan.

Narito ang ilan sa mga payo ng CDC kung paano ang tamang paggamit ng face mask sa pagtigil ng pagkalat ng COVID-19:

  • Magsuot ng mask na may dalawa o higit pang layer
  • Suotin ang mask nang maayos sa ibabaw ng inyong ilong, bibig, at sa ilalim ng baba
  • Ang lahat ng tao edad 2 taon at pataas ay dapat magsuot ng mask
  • Hindi dapat magsuot ng face mask ang mga mas bata sa 2 taong gulang, mga taong nahihirapang huminga, at mga taong hindi kayang magtanggal ng mask sa sarili nila nang walang tulong mula sa iba
  • Huwag gumamit ng mga face mask na limitado at para sa mga healthcare worker tulad ng N-95 respirators
  • Huwag gumamit ng mga neck gaiter o face shield dahil wala pang sapat na pag-aaral ukol sa pagkabisa ng mga ito sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19

Source: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo