Paano ko mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa aming multigenerational na tahanan?
Ang tahanang Pilipino ay kadalasang kinabibilangan ng iba’t-ibang henerasyon. May mga lolo at lola, may mga nakatatandang anak, at mga apo sa iisang bahay. Ang mga taong kailangang mag-isolate o bumukod ay dapat manatili sa bahay hanggang ligtas na silang makisalamuhang muli sa iba. Upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa inyong tahanan,
- Bantayan ang inyong sintomas. Kung mayroon kayong nakakabagabag na sintomas ng malalang karamdaman tulad ng hirap sa paghinga, humingi agad ng tulong medikal
- Manatili sa hiwalay na kwarto na malayo sa ibang kasama sa bahay, kung maaari
- Gumamit ng hiwalay na banyo, kung maaari
- Iwasan ang pakikisalamuha sa ibang kasama sa bahay at mga alagang hayop
- Iwasan ang pagpapagamit ng personal na kagamitan tulad ng baso, tuwalya, at kutsara’t tinidor
- Magsuot ng face mask kapag may ibang tao sa paligid, hangga’t maaari
- Siguraduhing maganda ang bentilasyon sa bahay sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana, paggamit ng mga electric fan o air conditioning, kung ligtas itong gawin
Source: LA Public Health