Bumalik sa panimula

Medikal

Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili kapag magpapa-ospital o magpapakuha ng COVID-19 test?

Kung ang inyong isyung medical ay hindi emergency, tumawag muna sa inyong doktor o healthcare provider bago magtungo sa ospital para magpagamot.

Tatawagan nila kayo upang tanungin kung ang inyong problema ay urgent, kung kailangan ninyong magpagawa ng mga karagdagang eksaminasyon, o kung papaano kayo makakukuha ng COVID-19 testing sa ligtas na paraan.

Kung posible, magmanehong mag-isa tungo sa ospital. Kung hindi ninyo kayang magmaneho, siguraduhing may sapat na distansya sa pagitan ninyo at ng magmamaneho sa inyo, magsuot ng face mask, at kung maaari ay buksan ang bintana para may karagdagang bentilasyon.

Huwag sumakay sa pampublikong transportasyon.

Kung pupunta kayo sa ospital upang magpagamot o kumuha ng COVID-19 testing, dapat magsuot kayo ng surgical mask. Ito ang inyong pangunahing depensa laban sa droplets o maliliit na patak sa hangin na nagdadala ng virus. Kung wala kayong surgical mask, gumamit ng telang pantakip sa mukha, na hindi kasing epektibo ng surgical mask ngunit mas mabuti nang kaysa wala.

Hindi dapat nagsusuot ng telang pantakip sa mukha ang mga sanggol at maliliit na bata na dalawang taon at pababa. Dapat may nakatatandang nakabantay sa mga kabataang edad 2 hanggang 8 taong gulang kapag sila ay may suot na face mask, upang siguraduhing nakahihinga sila nang tama at hindi nasasakal ng pantakip.

Ang face mask ay hindi dapat gamitin ng mga taong nahihirapang huminga o hindi kayang magtanggal ng pantakip sa mukha nang walang tulong mula sa ibang tao. Inirerekomenda na kumonsulta sa inyong doktor kung kayo ay nahihirapang gumamit ng face mask.

Source: CA Public Health

Translation reference: Diksyonaryong COVID-19

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo