Ako ay nakararamdam ng stress at pagkabahala? Ano ang aking gagawin?
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nakararanas ng krisis ngayon at nangangailangan ng agarang tulong, tumawag kaagad sa 911.
Kung kayo o inyong mahal sa buhay ay nakararanas ng stress at pagkabahala at/o nagkakaroon kayo ng mga kagustuhang saktan ang inyong sarili o ang ibang tao, mangyaring tumawag kaagad sa Los Angeles County Department of Mental Health 24/7 Access Center Helpline sa numerong 800-854-7771, sa National Suicide Prevention Lifeline 800-273-8255, sa Trans Lifeline 877-565-8860, sa Substance Abuse at Mental Health Services Administration (SAMHSA) Disaster Distress Helpline 800-985-5990, o i-text ang "LA" sa 741741 upang makakausap ng tagapayo mula sa Crisis Text Line.
Kung kayo ay nakararamdam ng stress at pagkabahala, hindi kayo nag-iisa. Maraming mga bagay na nangyayari na maaaring maging sanhi ng inyong stress.
Inirekomenda ng National Institute of Mental Health ang mga sumusunod na aktibidad kapag nakakaramdam kayo ng labis na pagkabalisa o stress:
- Magsulat sa isang journal o talaarawan
- Mag-download ng mga app para sa deep breathing, visualization, o mindfulness
- Mag-ehersisyo nang regular
- Matulog sa tamang oras
- Iwasan ang pag-inom ng labis na caffeine
- Alamin at labanan ang negatibong pag-iisip
- Makipag-ugnayan sa inyong mga pinagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya
Kung nahihirapan kayong makaagapay, huwag mahiya o mag-atubiling kumonsulta sa isang propesyonal para sa mental health. Maghanap ng karagdagang impormasyon National Institute of Mental Health (NIMH) website.
Iba pang mga resource: