Paano ako makaka-agapay sa holiday stress sa panahon ng COVID-19?
Para sa maraming tao, ang holiday season ay nakakapagpabagabag, kahit na sa karaniwang panahon. Gayunpaman, sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at paglalagay ng mga bagong restriction, maaari kayong makaramdam ng higit na pagkabagabag. Sa katunayan, ganap na normal na madama ang pagtaas ng stress at pagkabalisa sa mga panahong ito.
Habang ang nararanasan natin ngayon ay hindi inaasahan, narito ang ilang mga praktikal na payo para sa mental health upang magkaroon kayo ng masaya at malusog na pagdiriwang:
- Humanap ng mga paraan upang ligtas na makapagdiwang. Kahit na may mga paghihigpit sa COVID-19, posible pa ring ipagdiwang ang mga masasayang panahon kasama ang inyong mga mahal sa buhay habang nanatiling ligtas at responsable. Maaari kayong magsimula ng virtual na kainan, gumawa ng mga bagong tradisyon na maaaring gawin sa loob lamang ng inyong tahanan, maging malikhain at magkaroon ng isang makabuluhang pagdiriwang kasama lamang ang mga nakatira sa inyong tahanan.
- Ingatan ang inyong katawan. Tiyaking kumakain kayo ng wastong pagkain at makakuha ng sapat na pahinga. Habang ang panahon ng taglamig ay nakakapaghimok sa ating manatili sa ilalim ng makapal na kumot, mahalaga pa rin ang pagiging aktibo sa pamamagitan ng ehersisyo.
- Subukang lumabas at lumanghap ng sariwang hangin, ngunit kung masyadong malamig para sa inyong mga paboritong panlabas na aktibidad, maraming paraan upang maging aktibo sa loob ng bahay. Maaari kayong mag-invest sa kagamitan sa pag-eehersisyo, manuod ng mga fitness video sa internet o idagdag ang higit pang pisikal na aktibidad sa inyong pang-araw-araw na gawain sa pamamagitan ng paglalakad o iba pang mga simpleng gawain.
- Alamin kung paano tumugon sa pakiramdam ng labis na pagkabahala. Maaari man tayong makaranas ng pagkabigo, ngunit kailangan pa rin nating alamin kung alin sa mga karanasan natin ang nasa ating kontrol. Sa halip na ituon ang inyong atensyon sa mga bagay na hindi ninyo mapipigilan, mag-isip ng mga bagay na kaya ninyong gawin. Ang pagsasanay ng mindfulness at meditation ay maaaring makatulong sa inyong maging kalmado sa kabila ng walang kasiguraduhan.
- Makipag-ugnayan sa inyong mga mahal sa buhay. Magplano ng mga masasayang aktibidad at libangan sa mas malalamig at madidilim na buwan.
Ang ilang mga nakakatuwang na aktibidad na idaragdag sa inyong listahan ng taglamig ay maaaring magsama ng:
- Maglakad o makisalo sa mga panlabas na aktibidad kasama ang inyong sambahayan.
- Magplano ng movie night o game night kasama ang mga nasa inyong 'bubble' na aabangan ng lahat bawat linggo.
- Magkaroon ng craft night kung saan papalamutian ninyo ang inyong mga face mask.
- Tignan ang laman ng inyong pantry at gumawa ng bagong mga putahe kasama ang inyong pamilya.
- Magkaroon ng dance party kasama ang inyong pamilya (o kahit kayo lang mag-isa).
- Maglaan ng oras para sa inyong sarili. Samantalahin ang tahimik na panahon ng taglamig upang mag-decompress at magsagawa ng self-care. Kapag nakakita kayo ng aktibidad na nagbibigay sa inyo ng kapayapaan, isama ito sa iyong pang-araw-araw o lingguhang routine. Sa pamamagitan ng pagiging consistent at intensyonal sa inyong gawain para sa self-care, maaari ninyong mabawasan o maiwasan ang pagkakaroon ng matinding stress at pagkabalisa.
Narito ang ilang mga paraan upang manatiling groundedkapag nagsimula kayong makaramdam ng pagkalungkot:
- Mag-reset. Kung nakakaramdam kayo ng burnout, mahalagang makakuha ng sapat na tulog, kumain ng masustansiyang pagkain, uminom ng maraming tubig at manatiling aktibo. Ang pagsasama ng mga ito sa inyong routine ay makapagbibigay sa inyo ng lakas.
- Mag-moderate. Kapag kayo ay nabibigla, maaari kayong humantong sa pag-abuso ng alkohol o hindi masustansyang pagkain. Mahalagang kilalanin ang mga coping mechanism na ito ay nagbibigay lamang ng panandaliang relief na sa kalaunan ay maaaring makaapekto sa inyong kalusugan at mental health.
- Mag-ayos. Patunugin ang inyong paboritong playlist, podcast o pelikula at linisin ang mga parte ng inyong tahanan na ipinagpapaliban ninyo. Hindi lamang magiging malinis ang inyong bahay, makakaramdam din kayo ng pagkalinaw ng isip kapag hindi magulo ang inyong lugar.
- Magplano. Habang nasa bahay, gamitin ang panahon upang upuan at planuhin ang mga makatotohanang layunin na nais ninyong maisakatuparan sa taong ito. Hindi man natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap, ang pagpaplano ay nakauudyok sa ating ituon ang ating kakayahan sa mga bagay na mayroon tayong kontrol.
- Makilahok. Habang maraming panahon sa loob ng bahay, gamitin ang mga oras na ito sa makabuluhang mga bagay tulad ng pagbabasa ng mga libro, pagkuha ng mga online course, pagtuklas ng mga bagong recipe, at pagsisimula ng mga bagong libangan. Nakakatulong ang pananatiling produktibo upang manatili ang inyong diwa sa kasalukuyan.
- Makipag-ugnayan. Ang mga buwan ng taglamig ay maaaring magpaigting ng kalungkutan. Mag-check in sa inyong mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng chat sa telepono o video.
Source: CDC, Indiana University Health