Sino ang hindi dapat dumalo sa mga pagtitipon para sa mga espesyal na okasyon?
Bagaman maaaring gusto nating gugulin ang mga espesyal na okasyon kasama ang ating mga mahal sa buhay, ang kailgtasan ng ating pamilya ang dapat nating pangalagaan. Higit na iwasang makipagtagpo sa mga taong na-test, na-expose, o nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19.
Ang mga naghihintay pa rin ng resulta ng viral test ay pinapayuhan ding huwag dumalo sa anumang mga pagtitipon.
Ang mga essential worker ay hinihimok na gumawa ng tamang hakbang upang masigurong hindi sila nahawa at makahahawa ng COVID-19 kapag nagdesisyong dumalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kaibigan at kapamilyang hindi nila kasama sa bahay.
Upang pangalagaan ang ating pamilya, masidhing hinihikayat ang mga senior citizen, mga taong immunocompromised o may mahinang resistensya, na manatili na lamang sa bahay. Dahil sa kanilang edad o pre-existing na medical condition, mas malaki ang tsansa nilang magkaroon ng malubhang sakit dulot ng COVID-19. Kabilang dito ang mga may kanser, mga pasyenteng nabigyan ng transplant, o mga taong may mga sakit na nakapanghihina ng immune system.
Magtiis-tiis muna tayong lahat, hanggang masiguro nating ligtas at malusog ang ating mga mahal sa buhay sa kalaunan.