Ako ay pet owner. Anong dapat kong malaman tungkol sa pag-aalaga ng alagang hayop sa panahon ng COVID-19?
Ayon sa LA Public Health, mayroong ilang mga ulat na mga alagang hayop na nag-positibo sa COVID-19, karamihan pagkatapos ng close contact sa mga taong mayroong COVID-19. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa tao hanggang sa mga hayop sa ilang mga sitwasyon.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na walang mga ulat tungkol sa mga pet owner na nahawa ng COVID-19 mula sa kanilang mga alaga. Sa kasalukuyan, walang katibayan na ang mga alagang hayop, kabilang ang mga aso at pusa, ay maaaring magbigay ng COVID-19 sa mga tao.
Sa pamamagitan nito, hinihimok ng LA Public Health ang pagsasanay ng madalas na paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang inyong mga alagang hayop. Kung kayo ay may sakit, iwasang humawak sa inyong mga alagang hayop kasama ang ibang mga kasapi ng sambahayan habang sinusubaybayan ang inyong mga sintomas at ihiwalay. Kung maaari, magtalaga ng ibang miyembro ng sambahayan o pinagkakatiwalaang kaibigan o pamilya upang pangalagaan ang inyong alaga habang kayo ay may sakit.
Habang maysakit, iwasan ang paghawak o paghalik sa mga alagang hayop sapagkat maaari nilang ikalat ang inyong mga bodily fluid na nagdadala ng COVID-19 virus sa iba ninyong kasama sa bahay.
Kung mayroon kayong alagang aso at nararamdaman ninyong kayo ay may sakit, huwag na kayong lumabas para ilakad ang inyong aso. Hilingin sa malapit na kakilala na gawin ito para sa inyo. Bumukod at subaybayan ang mga sintomas para sa COVID-19 nang hindi kayo makahawa ng mga tao bago pa ninyo masiguro na mayroon kayong COVID-19.
Makipagtulungan sa veterinarian ng inyong mga alagang hayop kung paano magsagawa ng mga pagbisita sa ligtas na paraan. Tumawag muna sa veterinarian upang matukoy kung ang iyong pakay ay nangangailangan ng in-person na pagtingin sa inyong alaga. Kung may sakit kayo, dapat ninyong ideklara ito at subukang maghanap ng ibang tao na magdadala ng inyong mga alaga sa manggagamot ng hayop.
Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: LA Public Health