Anong mga gawain para sa self-care ang magagawa ko upang maka-agapay sa COVID-19?
Namumuhay tayo ngayon sa mga pambihirang panahon ng kawalang katiyakan at lubhang stress, kaya naman mas kinakailangan ang paggawa ng mga munting aktibidad para sa pag-aalaga sa ating sarili upang matulungang mapanatili ang pisikal na kalusugan, mabawasan ang stress, madagdagan ang pagpapahinga at resilience, at matulungan tayong harapin ang mga hamon sa emosyonal na sitwasyon.
Narito ang ilang mga pamamaraan sa pangangalaga sa sarili na maaari ninyong subukan sa mga oras na ito:
- Ugaliin ang wastong pagkain, pagpapahinga, at pagkilos ng katawan. Kung kayo ay napilitang gawin ang pag-aaral o pagtatrabaho sa bahay, maaaring isang hamon ang pamahalaan ang inyong oras habang ginaganap ang inyong mga tungkulin sa iisang lugar.
- Nangangahulugan ito na kailangan ninyong maging mas maagap sa pamamahala ng inyong oras, lalo na pagdating sa paglaan ng oras para sa mga gawain upang manatiling malusog at resilient sa mga oras na ito.
- Subukan ang mga teknik para sa relaxation at mindfulness. Ang pag-aaral kung paano mag-relaks at pakawalan ang mga nakababahalang kaisipan at damdamin ay isang esensyal na kasanayan, at ito ay maaaring matutunan sa pamamagitan ng pagsubok ng iba't ibang mga pamamaraan na mabisa para sa inyo. May mga tao na hiyang sa meditation, yoga, at hilot.
- Kung nakararanas kayo ng kawalan ng pag-asa at madali kayong sumuko sa mga saloobin ng pangamba o pagkabalisa, mahalagang panatilihin ang inyong diwa sa kasalukuyan, na magpasalamat sa inyong mga biyaya at kung ano ang kaya ninyong gawin sa inyong sariling lakas at kakayanan sa kasalukuyang panahon.
- Mahalagang tandaan kung ano ang nasa labas at loob ng inyong kontrol. Hindi man natin maaaring baguhin ang ating mga karanasan, ngunit mayroon tayong kontrol kung paano tayo tumugon at makaka-agapay sa mga mahirap na sitwasyong ganito.
- Makipag-ugnayan sa inyong mga pinagkakatiwalaang kaibigan at kapamilya upang ibahagi ang iyong mga karanasan at saloobin. Para sa mga nakatira nang mag-isa, maaaring mas mahirap na mapalayo sa mga kaibigan at kapamilya. Mag-iskedyul ng oras para sa regular na pag-check-in sa inyong mga mahal sa buhay, sa mga taong bumubuhay sa inyong pag-asa at kagustuhang magpatuloy sa buhay. Nag-iiba ang ating mundo kapag alam nating hindi tayo nag-iisa.
- Kung nahihirapan kayong maka-agapay sa inyong mga pinagdaraanan, mahalagang malaman ninyo na maaari kayong humingi ng tulong at suporta mula sa inyong mga lokal na propesyonal tulad ng pagpunta sa iyong primary healthcare provider para sa isang pagsusuri, mga therapist o counselor para sa mental health, mga nutritionist o dietitian, at iba pa. Maaari nila kayong mabigyan ng mga stratehiya upang makayanan at masuportahan kayo batay sa inyong medical history.
Para sa higit pang mga resource para sa self-care, magtungo sa: LA County Department of Mental Health, University at Buffalo School of Social Work