Mayroon bang mga libreng app para sa mental health at wellness para sa mga residente ng LA County?
- Ang Headspace, isang app na nag-aalok ng mga koleksyon ng resource para sa mindfulness at meditation, upang magbigay ng suporta at mga resource sa makayanan ang hamon ng COVID-19. Ang mga users na nakatira sa Los Angeles ay maaaring mag-sign up para sa kanilang mga serbisyo at maka-access sa daan-daang mga gabay sa meditation sa mga wikang Ingles at Espanyol, pati na rin ang mga paggalaw at pagsasanay sa pagtulog upang makatulong na maka-agapay sa stress, takot at pagkabalisa na kaugnay sa COVID -19. Maaari kayong mag-sign up dito. Mayroon ding bagong serye sa Netflix ang Headspace, na naglalayong makatulong sa mga baguhan sa pagme-meditate.
Ang mga sumusunod na resource ay hindi partikular para sa mga residente ng LA, ngunit maaaring makadagdag inyong magagamit ang mga libreng mental health app na ito:
- Ang NBC Los Angeles ay nagkolekta ng listahan ng mga mental health app na maaaring makatulong sa inyong maka-agapay sa COVID-19.
- Para sa mga taong nakatira sa labas ng Estados Unidos, maaaring makatulong ang mga mental health app na ito ayon sa Independent UK.
- Naglabas ang Psycom ng 25 sa pinakamabuting mental health app na maaari ninyong subukan kung hindi ninyo kayang gumastos para sa therapy.