Isa akong senior citizen at walang dumadalaw sa akin. Paano ko maiibsan ang aking pagkalumbay?
Maaaring naudlot ng pandemyang COVID-19 ang ating mga planong makipagkita sa ating mga mahal sa buhay nang personál, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnay lalo na sa panahong walang katiyakan.
Ito ang ilan sa mga maaaring gawin habang kayo ay inaatasang manatili sa bahay at ipagpaliban ang pagdalaw mga kapamilya at kaibigan:
- Mag-umpisa ng bagong libangan. Ngayon ang pinakamainam na panahon upang mag-aral ng mga bagong kakayahan, at maghanap ng mga produktibong paraan ng paggamit ng inyong oras sa bahay. Mayroong video tutorial sa YouTube para sa halos lahat ng bagay na nais ninyong matutunan. Isa rin itong magandang paraan upang makisalamuha sa iba na may mga kaparehong libangan at makakapanghikayat sa inyo na magpatuloy kung sakaling mahirapan kayo habang nag-aaral ng bagong libangan.
- Manatiling malusog at aktibo. Nakakabawas ng stress ang exercise, nakakadagdag ng enerhiya, at magpapabuti sa inyong pakiramdam.
- Mag-volunteer. Humanap kayo ng organisasyon kung saan maaari kayong magturo sa mga kabataan ng kaalaman mula sa inyong propesyon o ispesyalisasyon.
- Ugaliing makipag-ugnayan sa inyong mga mahal sa buhay. Hindi ibig sabihin ng pagdistansyang sosyal na hindi kayo makakasama sa pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon gaya ng mga kaarawan at mga holiday.
- Subukan ninyong mag-alaga ng hayop. Nakatutuwang maging kasama sa bahay ang mga hayop at maaari ring makapang-aliw, at makakatulong pababain ang inyong stress at blood pressure.
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa: NIA