Mayroon bang mga support group sa aking lugar?
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nasa krisis ngayon at nangangailangan ng agarang tulong, mangyaring tumawag agad sa 911.
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nakararanas ng labis na stress at/o nagkakaroon ng kagustuhang saktan ang inyong sarili o ibang tao, tumawag sa Los Angeles County Department of Mental Health 24/7 Access Center Helpline sa numerong 800-854-7771, sa National Suicide Prevention Lifeline sa numerong 800-273-8255, sa Trans Lifeline sa numerong 877-565-8860, Substance Abuse at Mental Health Services Administration (SAMHSA) Disaster Distress Helpline sa 800-985-5990, o i-text ang "LA" sa 741741 upang makakausap ng isang Crisis Text Line na tagapayo.
Maraming mga support group at organisasyon sa Los Angeles County kung saan maaari kayong makipag-ugnayan:
- Ang Search to Involve Pilipino Americans (SIPA) ay may mental health program na may kasamang mga psychosocial assessment, in-home na counseling outreach, mga ugnayang pang-pamayanan, mga pagsasanay sa Mental Health First Aid, at mga presentasyong pang-edukasyon.
- Nag-aalok ang Filipino American Service Group, Inc (FASGI) ng mga serbisyo upang ikonekta kayo ka sa isang mental health professional. Tumawag sa FASGI sa 213-908-5050.
- Nag-aalok ang Asian Pacific Counseling and Treatment Centers (APCTC) ng mga serbisyong pangkalusugan sa pag-iisip sa mga may sapat na gulang, bata, at kabataan.
- Ang Asian Pacific Family Center (APFC) ay mayroong Pacific Clinics Access Center na may toll-free hotline na 1-877-PC-CARES (1-877-722-2737).
- Ang Minority Psychology Network (MPN) ay nangangasiwa ng kakayahang mai-access ang mental health at mga tauhang culturally relatable para sa mga kasapi ng minority communities.
- Ang National Alliance on Mental Illness (NAMI) ay ang pinakamalaking organisasyon para sa kalusugan ng isip sa kalusugan ng buong bansa at mayroong maraming mga Chapters Kapitulo ng NAMI ng sa Los Angeles County:
- NAMI Antelope Valley
- NAMI Greater LA County
- NAMI Glendale
- NAMI Long Beach
- NAMI Pomona Valley
- NAMI San Fernando Valley
- NAMI San Gabriel Valley
- NAMI South Bay LA County
- NAMI Whittier LA County
- NAMI Urban Los Angeles
- NAMI Westside Los Angeles
- Ang Southern California Health & Rehabilitation Program (SCHARP) Southern California Health & Rehabilitation Program (SCHARP) ay nagbibigay ng "mga innovative na mental health at rehabilitation services na nakatuon sa pangangailangan ng mga vulnerable na populasyon ng etnikong minorya sa Southern California."
PAUNAWA: Hindi ito komprehensibo at kumpletong listahan. Patuloy kaming magdaragdag ng mga serbisyo dito.