Paano ako magkakaroon ng makabuluhang pakikipag-ugnayan habang nananatili sa bahay?
Kung sino man ang nag-imbento ng terminolohiyang social distancing ay dapat tinawag itong physical distancing, dahil habang sinusubukan nating pigilan ang pagkalat ng COVID-19, nagagawa pa rin dapat nating makipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay.
Mapalad tayo na nabubuhay tayo sa panahong kukunin lang natin ang ating mga mobile devices at makakatanggap tayo ng suportang sosyal sa pamamagitan ng text, tawag sa telepono, o video call.
Maaari ninyong makausap ang inyong mga kamag-anak saanman sa mundo. Maglaan ng oras upang ibahagi ang inyong mga karanasan at saloobin sa mga mahal sa buhay, at makinig at tulungan silang unawain ang kanilang mga pinagdaraanan.
Lumilikha ang paghahayag ng saloobin sa inyong mga mahal sa buhay ng pakiramdam ng kaligtasan at kaligayahan sa gitna ng kawalan ng kasiguraduhan. May mga taong nag-umpisa ng mga book club, mga Zumba at videoke session, at nakikipaglaro sa iba sa mga online game. Maaari kayong magsagawa ng regulár na community event o maghanap ng isa na may kaugnayan sa iyong libangan.
Walang hadlang sa posibilidad para sa pakikipag-ugnayan. Isang paraan ang pagkakaroon ng access sa internet at social media sa gitna ng COVID-19 para sa maraming tao upang panatilihing matatag ang kanilang kalooban.
Sa kabila nito, iminumungkahi pa rin ang magdalas na pagpapahinga at pag-monitor sa inyong exposure sa media, dahil nagdudulot ng mas matinding stress at kapaguran ang paggamit sa social media nang masyadong matagal. Maaari din kayong makakuha ng mga impormasyon na hindi mapagkakatiwalaan mula sa social media, na makapagdudulot ng pagkabahala at takot.
Source: UCSF